Pinoy nagtapos na summa cum laude sa Yale

Isa ang Pinoy student na si Dion Ong sa mga nagmartsa sa Yale University bilang summa cum laude.

Isa ang Pinoy student na si Dion Ong sa mga nagmartsa sa Yale University bilang summa cum laude.

Perfect na 4.0 lang naman ang GPA na nakuha ni Ong sa kanyang combined degree Bachelor of Science and Master of Science in Computer Science.

Ayon kay Ong, nasa Pilipinas pa lang ay kilala na siya na magaling sa academics.

Nakapasok siya sa Yale matapos na magawaran siya ng scholarship.

“I was very fortunate that things turned out better than I imagined,” wika ni Ong.

Payo niya sa mga kapwa Pinoy na gusto ring makapasok sa mga bigating unibersidad sa US ay paghandaan na nila ang kanilang ilalagay sa application pa lang.

“Pursue a variety of passions that they can highlight in their application,” saad ni Ong.