Pinoy may utang na loob kay Quiboloy – Robin Padilla

Giniit ni Senador Robinhood Padilla na mayroon umanong pagkakautang ang mga Pinoy sa pinuno ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) church na si Pastor Apollo Quiboloy.

Giniit ni Senador Robinhood Padilla na mayroon umanong pagkakautang ang mga Pinoy sa pinuno ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) church na si Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay Padilla, isa umano ang Pastor sa kanilang kasama laban sa armed struggle, kung kaya’t tutol siya sa contempt order nito.

“Hindi ko masasabi kung ano yung kanilang dahilan. Sapagkat ako ang dahilan ko, itong mamang ito may utang na loob tayo rito. Patunay yan na noong panahon na walang nagsasalita against armed struggle, kasama namin yan,” ani Padilla sa isang panayam sa radyo.

“Sana maintindihan niyo kung saan ako nanggagaling,” dagdag pa nito.

Wanted si Quiboloy sa Amerika sa mga kasong sex trafficking, coercion, fraud, cash smuggling, conspiracy, at sex trafficking of children.