Pinoy cybersecurity experts target kunin ng gobyerno

Nakatingin sa posibleng pagpasok ng mga civilian cybersecurity experts ang Pamahalaang Marcos upang pag-igtingin ang kakayahan ng mga ahensya ng gobyerno kontra wiretapping.

Nakatingin sa posibleng pagpasok ng mga civilian cybersecurity experts ang Pamahalaang Marcos upang pag-igtingin ang kakayahan ng mga ahensya ng gobyerno kontra wiretapping.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ito ay matapos ihayag ng Chinese Embassy na nagkasundo ang gobyerno ng Tsina at ng Pilipinas ukol sa West Philippine Sea at ilabas ang transkrip ng nasabing pag-uusap sa telepono.

“Some of the best people in cybersecurity are actually Filipino but they are civilians so we have to bring some of them,” ani Pangulong Marcos.

“There have been so many departments and agencies that have been victimized. I think we’re all very aware of the risk of cybersecurity for all kinds of reasons. We’re very conscious of that,” dagdag niya.