Pinoy conjoined twins paghihiwalayin sa Saudi Arabia

Nakatakdang ilipad patungong Kingdom of Saudi Arabia (KSA) ang conjoined twins na Pinoy sa Linggo, May 5.

Nakatakdang ilipad patungong Kingdom of Saudi Arabia (KSA) ang conjoined twins na Pinoy sa Linggo, May 5.

Siniguro ni KSA Ambassador to the Philippines Hisham Sultan Abdullah Alqahtani na tutulungan nila ang conjoined twins na sina Akhizah at Ayeesha Yusoph para sa surgery na maghihiwalay sa dalawa.

“This humanitarian work reflects one of the prominent achievements of the kingdom in the field of separating conjoined twins and providing outstanding medical care, where the kingdom has become a pioneer in the field,” saad ni Alqahtani.

“It is expected that this noble humanitarian direction will positively impact the Filipino society, as it will help provide conjoined twins the opportunity to receive necessary treatment and overcome the health challenges they face,” aniya pa.

Samantala, kumpiyansa naman ang nanay ng kambal na si Hashima Yusoph na magiging matagumpay ang operasyon sa kanyang dalawang anak.

““Wala naman akong iniisip na kaba, kasi wala naman sila sinasabi sa akin na ganun, na komplikasyon. Iniisip ko kung paano ko sila maaalagaan bilang nanay, at may nag-refer sa amin na matulungan kami,” saad ni Hashima.

Ito na ang ikalawang beses na nag-opera ang KSA ng conjoined twins mula sa Pilipinas.

Noong March 2004 ay unang napaghiwalay sina Ann at Mae Manzo.