Pinondohan ng Ako Bicol: 400 iskolar ng TESDA, nagtapos sa Albay

Tagumpay na natapos ang 400 iskolar sa Albay ang kanilang mga kurso mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) nitong Biyernes.

Tagumpay na natapos ang 400 iskolar sa Albay ang kanilang mga kurso mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) nitong Biyernes.

Ang mga iskolar ay sumailalim sa mga kurso gaya ng heavy equipment operation at pagwe-welding. Tumanggap sila ng National Competency (NC) Level II.

Ang scholarship ay pinondohan ng Ako Bicol Party-list.

Inihayag naman ni Ako Bicol Party-list Rep. Jill Bongalon na higit 10,000 pa ang slot na para sa mga TESDA courses sa Bicol Region.

“Compared with other infrastructure projects, soft projects, the AKB, with Rep. Elizaldy Co, prioritize this kind of training, knowledge, and experience. This will help you survive and gain a livelihood,” wika ni Bongalon.

Samantala, inihatid din ng Ako Bicol sa Tiwi Agro-Industrial School ang solar-powered water supply system na nagkakahalaga ng P5 milyon. Kaya umano nitong mag-supply ng 50,000 litro ng tubig bawat araw.