Ping Lacson: Pangulong Marcos maswerte sa asawa

Naka-jackpot umano si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa misis nitong si First Lady Liza Marcos, ayon kay dating senador Ping Lacson.

Naka-jackpot umano si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa misis nitong si First Lady Liza Marcos, ayon kay dating senador Ping Lacson.

Sa kanyang post sa X (dating Twitter), inihayag ni Lacson na ang asawang gaya ng First Lady ay nakakatulong para maituon ng pangulo ang kayang atensyon sa kanyang trabaho.

“If all wives are as fiercely loyal to their husbands as FLLAM [First Lady Liza Marcos] is to PBBM, all married men can focus on their jobs or just relax with folded arms, crossed legs up without having to stress themselves with haters and their sympathizers,” saad ni Lacson sa kanyang post.

Ito ang reaksyon ng dating senador sa banat ng First Lady sa mga kritiko ng kanyang asawa.

Sa panayam kay Anthony Taberna, hinamon pa ni First Lady Liza ang kanilang mga basher dahil hindi umano siya naaapektuhan sa mga ito.