Pineke! Drug ops kay Marcos noong 2012, kinontra ng PDEA

Walang katotohanan na may pre-operation report para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong 2012, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Walang katotohanan na may pre-operation report para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong 2012, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Klinaro ng ahensya na ang nag-viral na dokumento ay wala sa kanilang database.

“The Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) debunks the false operational documents currently in circulation in social media. Two pictures of documents were posted online; an Authority to Operate and a Pre-Operation Report, both dated March 11, 2012. PDEA ran a check through its Plans and Operations Reports Management Information System or PORMIS and found that no such operation was logged on said date,” saad ng PDEA.

Binalaan ng PDEA ang publiko na dahil sa AI ay dumadami ang mga pekeng dokumento o video na nagiging dahilan sa pagkalat ng fake news.

“In an age where Artificial Intelligence can generate realistic fake videos, spurious documents and fantastic claims at having ‘insider information’, the public is cautioned to be more careful in believing such fake news,” ayon pa sa ahensya.

Sa naturang pre-operation report na may date na March 11, 2012, nakasaad na may grupo umano ng mga impluwensyal na mga tao ang gumagamit ng iligal na droga sa Makati.

Sa naturang dokumento ay kasama ang pangalan ni Marcos.

Ngunit mapapansin sa dokumento na walang control number pati ang team leader para sa umano’y drug operation na pinasinungalingan na ng PDEA.