Pinay gymnast sinungkit Olympic slot

Pasok na sa 2024 Paris Olympics ang Pinay gymnast na si Levi Ruivivar.

Pasok na sa 2024 Paris Olympics ang Pinay gymnast na si Levi Ruivivar.

Ito’y matapos ang kanyang silver medal finish sa eneven bars event ng Doha World Cup.

Nagtala si Ruivivar ng iskor na 13.633 sa naturang patimpalak upang maiuwi ang silver medal at maibulsa ang tiket tungo sa Olympics.

Bukod pa rito, umakyat siya sa ikalawang pwesto sa world rankings pagdating sa uneven bars.

Siya na ang ikatlong gymnast mula sa Pilipinas na kwalipikado sa Olympics, kasunod nina Carlos Yulo at Aleah Finnegan.