‘Pinas wawalisin ‘fake news’ ukol sa WPS

Mas paiigtingin ng National Task Force on West Philippine Sea (NTF-WPS) ang kanilang estratehiya sa komunikasyon upang labanan ang pagkalat ng fake news ukol sa patuloy na pagsugod ng Chinese coast guard.

Ito ay isa sa mga pangako ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyakin ang transparency sa West Philippine Sea, ayon sa pahayag ni NFT-WPS spokesperson Commodore Jay Tarriela.

Dahil dito, nagsagawa ang Philippine Coast Guard, katuwang ang Philippine Information Agency at iba pang ahensya, ng capacity-building activities.

Aang pagiging transparent sa WPS ay magpapakita umano sa mga Pilipino ng aktuwal na pangyayari sa WPS.

Bukod pa riyan ay magiging daan upang makakuha ng suporta mula sa ibang nasyon sa pagpuna at pagkondena sa ilegal na operasyon ng China sa loob ng EEZ.

“Don’t give up this fight. The issue on the West Philippine Sea is a fight for the next generations of Filipinos,” saad ni Tarriela.