‘Pinas wagi sa ginanap na trilateral summit – Romualdez

Malaking tagumpay umano para sa Pilipinas ang idinaos na trilateral summit kasama ang US at Japan, ayon kay House Speaker Martin Romualdez.

Malaking tagumpay umano para sa Pilipinas ang idinaos na trilateral summit kasama ang US at Japan, ayon kay House Speaker Martin Romualdez.

Ayon kay Romualdez, ito’y dahil sa pagpapahayag ng US at Japan ng suporta sa laban ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

“President Marcos, Jr.’s steadfast leadership and diplomatic initiatives significantly advanced our country’s national interests, especially in upholding our sovereignty and safeguarding our territorial integrity, particularly in the West Philippine Sea,” saad ni Romualdez ngayong Sabado.

“The commitment of the United States and Japan to support the Philippines in defending its sovereignty and promoting regional peace is a testament to the strength of bilateral and multilateral partnerships in addressing complex security challenges,” dagdag pa ng mambabatas.

Sa naturang summit ay inihayag ni US President Joe Biden at Japanese Prime Minister Fumio Kishida ang matinding pagkabahala sa pambu-bully ng China sa WPS.

Bukod pa rito, ginagarantiya rin ng dalawang higanteng bansa ang pagtulong sa modernisasyon ng sandatahang lakas ng Pilipinas.

Kaya naman, nangako si Romualdez na ang buong Kamara ay nakasuporta sa foreign policy ng Marcos administration.

“The House of Representatives stands firmly behind President Marcos, Jr. and his diplomatic initiatives to uphold rules-based international order as the foundation of regional peace and prosperity,” dagdag pa niya.