‘Pinas uulanin ng investment sa Indo-Pacific Business Forum – Romualdez

Inaasahan ni House Speaker Martin Romualdez na maghahatid ng sandamakmak na negosyo sa Pilipinas ang gaganaping 6th Indo-Pacific Business Forum (IPBF).

Inaasahan ni House Speaker Martin Romualdez na maghahatid ng sandamakmak na negosyo sa Pilipinas ang gaganaping 6th Indo-Pacific Business Forum (IPBF).

Ayon kay Romualdez, ito’y matapos imbitahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ilang malalaking negosyante sa US na dumalo sa IPBF, na gaganapin sa Mayo 21 sa Pilipinas.

“I am confident that the 6th Indo-Pacific Business Forum will serve as a springboard for increased investment inflows into the Philippines,” saad ni Romualdez.

“By bringing together key stakeholders to discuss critical issues and explore collaboration opportunities, we aim to propel the country’s economic growth and development to new heights, creating more jobs and livelihood opportunities for our people,” dagdag pa ng mambabatas.

Inaasahang dadalo sa IPBF ang higit 500 business leader, project developer, opisyal ng gobyerno, at mga financing sources mula sa iba’t-ibang bansa.

Ang aktibidad ay pangungunahan ng pamahalaan ng Pilipinas at ng US Trade and Development Agency, sa pakikipagtulungan ng US Department of State.