‘Pinas, US patuloy pagpapatibay ng samahan; jet fighter drill kasado na!

Nakatakdang magsagawa ang Pilipinas at United States ng first iteration ng Cope Thunder-Philippines (CT PH 24-1) sa Basa Air Base, Floridablanca, Pampanga.

Nakatakdang magsagawa ang Pilipinas at United States ng first iteration ng Cope Thunder-Philippines (CT PH 24-1) sa Basa Air Base, Floridablanca, Pampanga.

Kabilang sa mga aktibidad ay 700 airmen mula sa PAF (Philippine Air Force) Units at USAF (United States Air Force).

“This bilateral military exercise, taking place in the Northern Luzon Intensive Military Training Area, Basa Air Base, and Brigadier General Benito N. Ebuen Air Base until April 19, involves approximately 700 airmen from various PAF (Philippine Air Force) Units and USAF (United States Air Force),” saad ni Air Force spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo.

Ang pagsasanay ay bahagi ng mga aktibidad ng Mutual Defense Board at Security Engagement Board para sa taong ito.

Kamakailan ay nagsagawa ang dalawang bansa kasama ang Japan at Australia ng naval exercise sa West Philippine Sea.