Pinas umapela sa UN: Teritoryong sakop ng WPS, palawigin!

Pormal na nagsumite ang Pilipinas sa United Nations ng petisyong palawigin ang extended continental shelf (ECS) ng bansa sa West Philippine Sea.

Pormal na nagsumite ang Pilipinas sa United Nations ng petisyong palawigin ang extended continental shelf (ECS) ng bansa sa West Philippine Sea.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary for Maritime and Ocean Affairs Marshall Louis Alferez, sinisiguro nito na nagagampanan ng Pilipinas ang tungkulin nito sa naging desisyon ng UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) pabor sa bansa.

“Incidents in the waters tend to overshadow the importance of what lies beneath,” sabi ni Alferez.

“The seabed and the subsoil extending from our archipelago up to the maximum extent allowed by UNCLOS hold significant potential resources that will benefit our nation and our people for generations to come. Today, we secure our future by making a manifestation of our exclusive right to explore and exploit natural resources in our ECS entitlement,” dagdag niya.

Ang petisyong inihain nitong Sabado sa UN Commission on the Limits of the Continental Shelf (CLCS) ay pangalawa na ng bansa para sa ECS entitlement nito, kung saan pinagtibay ng CLCS ang naunang petisyon ng Pilipinas noong 2012 na nagbigay ng additional 135,506 square kilometers ng seabed area sa WPS.