‘Pinas tuloy sa pag-ahon sa pamumuno ni PBBM — Romualdez

Tuloy ang pag-ahon ng Pilipinas mula sa epekto ng pandemya, sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Tuloy ang pag-ahon ng Pilipinas mula sa epekto ng pandemya, sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Ito ay bunsod ng halos $14.2-billion foreign direct investment (FDI) projects na naisakatuparan mula Hulyo 2022.

Ani Romualdez, buo ang suporta ng House of Representatives sa mga inisyatibo ng Pangulo.

“The President’s efforts to attract FDIs are yielding results. We are making steady progress, and the House of Representatives fully supports his initiatives,” pahayag ni Romualdez.

Dagdag pa nito, sa mga proyektong ito, ipinapakita nito ang dedikasyon at masigasig na pagtatrabaho ng pamahalaan sa pagpapabuti sa buhay ng mga Pilipino.

“We aim to gradually enhance the economy to its full potential, so that the rising tide will lift all our boats, so to speak,” saad ni Romualdez.