Pinas ‘to, hindi China! BI employee binulyawan Chinese nationals sa na-raid na subdivision

Hinangaan ng mga netizen ang isang Bureau of Immigration (BI) employee na hindi nagpatinag sa paninindak ng isang Chinese national sa isinagawang raid sa Parañaque.

Hinangaan ng mga netizen ang isang Bureau of Immigration (BI) employee na hindi nagpatinag sa paninindak ng isang Chinese national sa isinagawang raid sa Parañaque.

Kamakailan kasi ay inaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang 37 Chinese nationals na umano’y sangkot sa illegal retail sa Multinational Village sa naturang lugar.

Sa Tiktok page ni Senator Raffy Tulfo, ipinakita ang naganap na pagdakip sa mga Chinese.

Dito mapapanood na isang babaeng Chinese ang nagagalit at sumisigaw dahil sa ito ay aarestuhin na. Hindi naman nagpatalo ang BI employee at sinagot ito.

“What’s your purpose for doing that?” sigaw ng suspek.

“Because we are the Immigration and this is the Philippines, this is not China! Now you have to go with us and follow our rules!” sagot ng BI employee.

Samantala, narito ang reaksyon ng mga netizen:

“This is the Philippines! This is not China!!! brave naman in ate ko.”

“Dama ko gigil ni ateng na employee ng immigration! Mukhang may hugot kasama yung issue sa West Philippine Sea hehehe.”

“Feeling ko nirepresent tayong lahat ni ateng immigration officer. I love it! Hahaha.”

PANOORIN:

@raffytulfoinaction Matatandaang sandamakmak na sumbong ang nakarating kay Sen. Idol Raffy Tulfo noong June 2 mula sa mga residente ng Multinational Village, Parañaque 🏠 sa tila pagsakop sa kanilang lugar ng Chinese 🇨🇳 nationals. Ora mismo ay naaksyunan ito ng Bureau of Immigration (BI) sa tulong ng RTIA! Agad-Agad na ni-raid 🚓 ng BI kasama ang RTIA team noong June 4 ang nasabing compound at dito nga ay umabot sa 37 na Chinese nationals ang kanilang nasita sa mga business establishments na walang maipakitang mga kaukulang papeles 📄 kaya lahat sila ay dinala sa immigration headquarters para maimbestigahan. 🕵️ Ayon pa sa BI, ang mga ito ay kalaunang made-deport. Hinihintay pa rin ng RTIA ang magiging aksyon ng NBI. 👮🏻‍♂️ Samantala, naghain na ng 📄 Senate Resolution No. 1043 in aid of legislation si Sen. Idol para imbestigahan ang problema ng pagdagsa ng mga Chinese sa Multinational Village. ABANGAN! #Tulfo #RaffyTulfo #RaffyTulfoInAction #IdolMoSaSenado #KakampiMoSaSenado #NakikinigLumalabanUmaaksyon ♬ original sound – Raffy Tulfo