‘Pinas sa China: Lumayas kayo sa Ayungin Shoal, ora mismo!

Pinapalayas na ng pamahalaan ng Pilipinas ang mga barko ng China sa Ayungin Shoal kaugnay ng pambu-bully ng mga ito sa sasakyang pandagat ng bansa ngayong Martes.

Pinapalayas na ng pamahalaan ng Pilipinas ang mga barko ng China sa Ayungin Shoal kaugnay ng pambu-bully ng mga ito sa sasakyang pandagat ng bansa ngayong Martes.

Ngayong araw ay dalawang insidente ang naganap sa West Philippine Sea. Una rito ay ang banggaan ng isang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) at Chinese Coast Guard (CCG). Nasundan pa ito ng pambobomba ng water cannon ng ilang barko ng China sa isang supply boat ng Pilipinas.

Kaugnay nito, pinatawag ng Deparment of Foreign Affairs (DFA) ang isang mataas na opisyal ng China sa Pilipinas.

“The Department of Foreign Affairs summoned the Chinese Deputy Chief of Mission this afternoon to convey the Philippines’ protest against the aggressive actions undertaken by the China Coast Guard and Chinese Maritime Militia against the rotation and resupply mission undertaken by the Philippines in Ayungin Shoal today,” saad sa pahayag ng DFA.

“During the meeting, the Philippines stressed, among others, that China’s interference with the Philippines’ routine and lawful activities in its own exclusive economic zone is unacceptable. China’s actions in Ayungin Shoal infringes upon the Philippines’ sovereign rights and jurisdiction,” dagdag pa nito.

“The Philippines demands that Chinese vessels leave the vicinity of Ayungin Shoal immediately,” ayon pa sa ahensya.

Malinaw na nakasaad sa 2016 Arbitral Ruling na ang Pilipinas ang nagmamay-ari ng Ayungin Shoal at ng buong WPS.