‘Pinas nakararanas ‘dangerous level’ na init

Pumalo sa dangerous level ang init na natatamas ng Pilipinas ngayong Mayo 10, base sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Pumalo sa dangerous level ang init na natatamas ng Pilipinas ngayong Mayo 10, base sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Inuulat ang dangerous level kapag ang heat index ay nasa 42 degree Celsius hanggang 51 degree Celcius, at posible itong magdulot ng “heat cramp” at “heat exhaustion.”

Naitala ang 42 degree Celsius sa Olongapo, Palawan, Camarines Sur, Iloilo, Samar, at Zamboanga del Sur.

Nasa 43 degree Celsius naman sa Pasay City, Zambales, Cavite, Batangas, Camarines Norte, Leyte, at Davao del Sur.

Umabot ng 44 degree Celsius sa Ilocos Norte, Pangasinan, Cagayan, Occidental Mindoro, Puerto Princesa City sa Palawan, Dumangas sa Iloilo, at Catarman sa Northern Samar.

Habang nasa 45 degree Celcius sa may Roxas City sa Capiz, at 46 degree Celsius naman sa may Virac sa Catanduanes.