‘Pinas madidiligan ng bagyo sa Mayo

Inaasahang makararanas ng bagyo sa Pilipinas sa pagsapit ng Mayo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, at Astronomical Services Administration (PAGASA).

Inaasahang makararanas ng bagyo sa Pilipinas sa pagsapit ng Mayo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, at Astronomical Services Administration (PAGASA).

Base sa ulat ng PAGASA nitong Miyerkoles, tinatayang nasa isa hanggang dalawa ang papasok na bagyo.

Posible umanong mabuo ang tropical cyclone sa Western Pacific at makapasok sa Philippine area of responsibility (PAR).

Maaari rin umano magbago ito ng direksyon bago makarating sa lupa, o mag-landfall muna sa Central Philippines bago bumalik sa dagat.

Samantala, wala namang ulat na paparating na ulan hanggang sa katapusan ng Abril at unang linggo ng Mayo.

“Forecasts indicate a low likelihood of TC-like vortex (TCLV) development near or within the PAR for April 24 to April 30,” saad ng PAGASA.

“Model forecasts suggest the likelihood of TCLV development near or within the PAR remains low from May 1 to May 7,” dagdag pa nito.