‘Pinas kumita ng P73-B sa industriya ng diving – DOT

Ibinida ni Tourism Secretary Christina Garcia-Franco na pumalo sa P73 bilyon ang kontribusyon ng industriya ng diving sa ekonomiya ng bansa noong 2023.

Ibinida ni Tourism Secretary Christina Garcia-Franco na pumalo sa P73 bilyon ang kontribusyon ng industriya ng diving sa ekonomiya ng bansa noong 2023.

Ayon kay Frasco, halos dinoble nito ang P37 bilyon na kita mula sa diving noong 2022. Kaya naman, nangako ang kalihim na aalagaan ng ahensya ang naturang industriya. Tangka ni Frasco na manatili ang Pilipinas bilang premyadong diving destination sa mundo.

“As one of the most megabiodiverse countries in the world, we are home to more than 500 species of corals and 2,000 species of fish. Therefore, this distinction for the Philippines is something we take to heart with a firm commitment to ensuring not just the marketability but, more importantly, the sustainability of our dive industry,” pahayag ni Frasco sa opening ceremony ng Philippine International Dive Expo (Phidex) 2024 noong Biyernes.

“United under the guidance and visionary leadership of our President, we can look forward to yielding additional revenue from this industry, reinforcing the Philippine position as the World’s Premier Dive Destination and tourism’s role as now one of the strongest pillars of our economy, providing livelihood and employment for millions of Filipinos,” dagdag pa ng kalihim.

Ipinagmalaki rin ni Frasco na kinilala ng World Travel Awards ang bansa bilang World’s Leading Dive Destination sa limang magkakasunod na taon mula noong 2019.

Batay sa artikulo ng Department of Tourism (DOT) sa National Geographic, ilan sa mga nangungunang diving spots sa Pilipinas ang Malapascua at Moalboal sa Cebu, Tubbataha Reefs at Coron sa Palawan, Anilao sa Batangas, at mga isla ng Bohol at Mindoro.