‘Pinas kinontra ‘fishing ban’ ng China sa WPS

Nagprotesta ang Pilipinas laban sa unilateral fishing ban ng China sa South China Sea.

Nagprotesta ang Pilipinas laban sa unilateral fishing ban ng China sa South China Sea.

Dahil sa pinagbabawal na ito ng China, mas lalo lang umano nitong pinapataas ang tensyon sa West Philippine Sea.

Dahil dito, nanawagan ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Beijing na itigil ang ilegal na mga aksyon na lumalabag sa soberanya ng Pilipinas.

“The Philippines stressed that the unilateral imposition of the fishing moratorium raises tensions in the West Philippine Sea and the South China Sea,” nakasaad na diplomatic note na inilabas ng DFA.

Samantala, wala pang ibinibigay na tugon ang embahada ng China sa Maynila.