‘Pinas, Japan, US, Australia kinondena pag-atake ng China sa SCS

Sabay-sabay na binatikos ng mga defense chief ng Pilipinas, Japan, United States, at Australia ang paggamit at pag-atake ng mga sasakyang pandagat at militar ng China sa South China Sea (SCS).

Sabay-sabay na binatikos ng mga defense chief ng Pilipinas, Japan, United States, at Australia ang paggamit at pag-atake ng mga sasakyang pandagat at militar ng China sa South China Sea (SCS).

Ito ay matapos magsagawa ng quadrilateral meeting sina Defense Secretary Gilberto Teodoro, US Secretary of Defense Lloyd Austin III, Japanese Minister of Defense Kihara Minoru, at Australian Deputy Prime Minister at Minister for Defense Richard Marles sa Indo-Pacific Command (Indopacom) Headquarters Honolulu, Hawaii.

Ayon sa mga pinuno ng dipensa, lubos silang nababahala sa patuloy na sitwasyon sa East at South China Sea.

“They reiterated serious concern over the PRC’s (People’s Republic of China) repeated obstruction of Philippine vessels’ exercise of high seas freedom of navigation and the disruption of supply lines to Second Thomas Shoal, which constitute dangerous and destabilizing conduct,” nakasaad sa isang joint readout.

Dahil dito, nanawagan ang apat sa China na dapat ay sundin ang 2016 Arbitral Ruling sa South China Sea.