‘Pinas hindi magsisimula ng giyera vs China

"We are not in the business to instigate wars."

“We are not in the business to instigate wars.”

‘Yan ang pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa mga sundalo sa Palawan na nagbabantay sa West Philippine Sea.

Sa Talk to the Troops sa Puerto Princesa, Palawan, sinabi ni Pangulong Marcos na hindi magsisimula ng digmaan ang Pilipinas.

Sa kabila ito ng ginawang pag-atake ng China sa barko ng Pilipinas sa Ayungin Shoal kung saan naputulan ng daliri ang isang sundalo.

Ayon sa Pangulo, mapayapa at masaganang buhay ang pangarap ng bawat Pilipino.

Wala aniyang pamahalaang naglilingkod sa mga tao ang gugustuhin mapahamak ang buhay at kabuhayan ng kanyang mamayang.

Sisikapin aniya ng gobyerno na ayusin ang mga isyu sa mapayapang paras sa halip na gumamit ng pwersa o pananakot para makapanakit.

Bagamat kalmado sinabi ni Pangulong Marcos na hindi naman ito nangangahulugan ng pagluhod dahil wala sa kasaysayan ng Pilipinas ang yumukod sa sino mang dayuhan.