Pinas ‘di kailangang isailalim sa ‘state of calamity’ dahil sa El Niño – PBBM

Hindi na kailangan isailalim sa state of calamity ang Pilipinas dahil sa El Niño, ayon kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

Hindi na kailangan isailalim sa state of calamity ang Pilipinas dahil sa El Niño, ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Paliwanag ng Pangulo, patuloy ang pamahalaan sa pagtugon sa nararanasang init sa lokal na antas.

Aniya, iba-ibang hakbang ang kanilang isasagawa lalo pa’t iba’t ibang epekto epekto ang nararanasan ng mga apektadong probinsiya.

“Iba-iba ang problema sa bawat lugar eh. Hindi naman pwedeng shotgun lang, one size fits all ‘no. We look at each area and see what it is that they need,” pahayag nito sa panayam sa Bacolod City.

Samantala, nasa mahigit 18 na lungsod na ang nagdeklara mg state of calamity dahil sa init, base sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.