‘Pinas ‘di bulag sa mga nangyayari sa WPS – Marcos

Nanindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi magbulag-bulagan ang bansa hinggil sa tumitinding agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Nanindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi magbulag-bulagan ang bansa hinggil sa tumitinding agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Marcos, dapat isaalang-alang ang kapayapaan sa Asya ngunit ‘di rin naman pwedeng balewalain ang ginagawa ng China.

“When it comes to foreign policy and that we analyze geopolitics, this is the most important thing that we must find a way to keep it (WPS) at peace. That is what the Philippines will always work for,” pahayag ni Marcos sa kanyang pulong kay Japanese Ambassador to the Philippines Endo Kazuya nitong Huwebes.

“However, we also have to respond to the actual situation on the ground. They cannot cover our eyes and pretend that nothing happened,” dagdag ng pangulo.

Ang bansang Japan ay isa sa 14 na bansang dadalo bilang observer sa paparating na Balikatan Exercises ngayong Abril. Ang Balikatan ang pinakamalaking joint military exercise ng Pilipinas kung saan pangunahing kabalikat nila ang US.

Ngayong taon ay magdaraos ng aktibidad ang Pilipinas at US sa karagatang may layong 12 nautical miles mula sa kanlurang bahagi ng Palawan. Ito na ang pinakamalayong pagdarausan ng aktibidad sa kasaysayan ng Balikatan.