‘Pinas dadalawin ng bagyo ngayong Mayo – PAGASA

Isa hanggang dalawang bagyo ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Mayo.

Isa hanggang dalawang bagyo ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Mayo.

Inilahad ni PAGASA weather specialist Rhea Torres, dalawang senaryo ang posibleng kahinatnan sa oras na pumasok sa PAR ang dalawang bagyo ngayong Mayo.

“Sa unang scenario po ay posible po itong lumapit ng ating kapuluan bago ito mag-recurve papalayo ng ating bansa,” aniya.

“Yung second scenario naman kung mas mababa po yung entry point ng bagyo or mabuo po ito sa may eastern section ng Mindanao posible po itong tahakin ang bahagi po ng Eastern Visayas, Bicol Region, Mimaropa, at ilang bahagi ng Calabarzon bago po ito lalabas sa may WPS at magre-recurve po ulit palayo ng ating kapuluan,” paliwanag pa ni Torres.

Malaking parte ng bansa ang matagal ng naghihintay ng ulan dahil sa matinding init bunsod ng El Niño phenomenon.