Pinas, Brunei palalakasin kooperasyon sa maritime, turismo, agrikultura

Nagkasundo ang Pilipinas at Brunei na mas paiigtingin pa ang ugnayan sa usaping maritime cooperation, turismo, at agrikultura.

Nagkasundo ang Pilipinas at Brunei na mas paiigtingin pa ang ugnayan sa usaping maritime cooperation, turismo, at agrikultura.

Sa isinagawang state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Brunei, nilagdaan nito ang memoranda of understanding (MOU) para pagtibayin ang tatlong kasunduan.

“At para diyan, umaasa kaming palawakin ang mga partnership na nasimulan namin at nararamdaman namin na maraming potensyal na maaari naming suriin,” saad ng Pangulo.

Base sa nilagdaang letter of intent (LOI) ng Pangulo at ni Sultan Hassanal Bolkiah, mapapalakas nito ang agrikultura at food security ng dalawang bansa.

Bukod pa riyan, sa ilalim ng Mutual Recognition of Standards of Training, Certification and Watchkeeping (STCW) ay kikilalanin ng Pinas at Brunei ang mga national certificate na inisyu ng dalawang bansa, kabilang dito ang pagsasanay at palitan ng importasyon sa larangan ng maritime.

Habang sa sektor naman ng turismo ay mas palalakasin ang proyektong pang-turismo at promosyon ng Muslim friendly destinations.