Pinakamataas na heat index ngayong 2024 tumama sa Eastern Samar

Naramdaman ang pinakamataas na heat index ngayong 2024 sa bayan ng Guiuan, Eastern Samar nitong Linggo, May 26.

Naramdaman ang pinakamataas na heat index ngayong 2024 sa bayan ng Guiuan, Eastern Samar nitong Linggo, May 26.

Ayon sa tala ng PAGASA, umabot sa 55 degree Celcius ang heat index sa naturang bayan.

Mas mataas ito kumpara sa heat index record na naitala sa Iba, Zambales noong Abril na 53 degress Celcius.

Dahil dito’y nagbabala ang PAGASA sa mga residente ng lugar dahil umabot na sa ‘extreme danger level’ ang nararamdamang init sa Eastern Samar.

Sa naturang danger level, posibleng makaranas ng heat stroke ang mga tao na mabababad sa matinding init.