Pinakamalaking Chinese ship, naglibot sa Scarborough Shoal

Nagsagawa ng pagpapatrol sa Panatag Shoal o Scarborough Shoal ang tinaguriang pinakamalaking barko ng China Coast Guard (CCG).

Nagsagawa ng pagpapatrol sa Panatag Shoal o Scarborough Shoal ang tinaguriang pinakamalaking barko ng China Coast Guard (CCG).

Ayon kay Ray Powell, dating opisyal ng United States Air Force at eksperto sa maritime security, may sukat na 165 metro ang naturang barko na may bow number na 5901.

Aniya pa, may kasama umano itong iba pang vessel na may sukat na 102 metro.

“Over the past 24 hours, the world’s largest coast guard ship, the 165-meter China Coast Guard 5901, together with the 102-meter CCG 5203, conducted a brief intrusive patrol into the Philippines’ exclusive economic zone west of Scarborough Shoal,” pahayag ni Powell sa platform X.

“China conducts intrusive patrols deep within the EEZ of neighboring countries… to establish a continuous presence and gradually normalize Chinese jurisdiction over areas granted to its neighbors under international law,” dagdag pa nito.

Samantala, sinabi ni Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad nitong Biyernes na huling nakita ang CCG vessel 50 nautical miles mula sa Panatag Shoal.

TINGNAN: