Pinakamalaki sa ASEAN! FL Liza binisita ginagawang exhibition center sa Pasay

Bumisita si First Lady Liza-Araneta Marcos sa ginagawang Philippine International Exhibition Center sa Pasay City na siyang pinakamalaki sa buong Southeast Asia.

Bumisita si First Lady Liza-Araneta Marcos sa ginagawang Philippine International Exhibition Center sa Pasay City na siyang pinakamalaki sa buong Southeast Asia.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni FL Liza ang kasalukuyang progreso ng pagtatayo ng exhibition center.

Makikita na sobrang excited ang unang ginang kasama ang mga taong nasa likod ng konstruksyon ng nasabing gusali.

“This soon-to-be landmark will be the ultimate hub for the MICE (Meetings, Incentives, Conferences, Exhibitions) industry. Everyone is excited!!” saad ni FL Liza sa kanyang Instagram post.

May budget na P18 bilyon ang pagpapatayo ng pinakamalaking exhibition center sa ASEAN na tinatayang mag-aangkat ng halos $936 bilyong kita para sa industriya ng MICE sa bansa.

Kasalukuyang itinatayo ang gusali sa mahigit 10-hectare property ng Cultural Center of the Philippines (CCP) sa Pasay City.

TINGNAN: