Pinakamainit na April, naranasan ngayong 2024

Matinding init nitong Abril ang naramdaman hindi lang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo.

Matinding init nitong Abril ang naramdaman hindi lang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo.

Ayon sa bagong datos ng Copernicus Climate Change Service, ang April 2024 ang pinakamainit na naranasang klima para sa naturang buwan.

Ang average na 15.05 degrees Celsius na naitala noong Abril ay 1.58 degrees Celsius na mas mataas kumpara sa mga nagdaang temperatura sa kaparehong buwan.

Isa sa tinitingnan ay dahil sa epekto ng El Niño.

“El Nino peaked at the beginning of the year, and the sea surface temperatures in the eastern tropical Pacific are now going back towards neutral conditions,” saad ni Copernicus Climate Change Service Director Carlo Buontempo.

Sa Pilipinas, binantayan ang heat index kung saan sa Metro Manila ay umabot sa all-time high record na 45°C ang heat index.

Sa Zambales, pumalo sa 53 degrees Celsius ang heat index noong Abril.