Pinagtawanan! Charles Barkley walang bilib sa mga basketbolistang Pinoy

Nagngitngit ang ilang mga netizen sa naging hirit ni Charles Barkley patungkol sa mga Pinoy basketball players.

Nagngitngit ang ilang mga netizen sa naging hirit ni Charles Barkley patungkol sa mga Pinoy basketball players.

Sa usapan nina Barkley at NBA insider Chris Haynes, sinabi ng huli na naging MVP siya ng isang Filipino league.

Pero tila hindi bumilib si Barkley at nagtanong kung ilang Pinoy na ba ang nakapasok sa NBA.

“No disrespect. I know I’m gonna get in trouble when I ask this question: how many Filipinos been drafted into the NBA?” tanong ni Barkley.

Dahil diyan, ilang netizen ang bumanat kay Barkley at pinaalala ang pagiging ringless ng Hall of Famer.

Ilan din ang nagbanggit ng pangalan nina Jordan Clarkson at Jalen Green bilang mga dugong Pinoy na nakapasok sa NBA.

Heto ang ilan sa kanilang komento:

“I like Chuck before this. He crossed the line here.”

“Better tell chuck there’s been more Filipinos drafted to the league than he has rings.”

“Barkley asked how many Filipinos been drafted into the the NBA??? Jordan Clarkson and Jalen Green.”

“More than enough numbers than your ring chuck.”