Pinababang taripa para sa bigas na abot kaya! – Romualdez

Nagpahayag ng suporta si "Mr. Rice" House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, sa desisyon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na ibaba ang taripa ng imported na bigas mula 35 porsyento patungong 15 porsyento.

Nagpahayag ng suporta si “Mr. Rice” House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, sa desisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ibaba ang taripa ng imported na bigas mula 35 porsyento patungong 15 porsyento.

Ayon kay Romualdez, ang “import levy reduction” at ang direktang pagbebenta ng imported na bigas ng pamahalaan sa pamamagitan ng Kadiwa centers, ay dapat makapagbaba ng retail price ng bigas nang malaki, lalo na para sa mga konsyumer.

Idinagdag pa ni Romualdez na kahit mabawasan ang taripa, may sapat na pondo ang pamahalaan mula sa P16 bilyon na nakolekta mula sa taripa sa ilalim ng Rice Tariffication Law, upang patuloy na maibigay ang mga tulong at subsidiya sa mga magsasaka.

Ayon sa kanya, ang pagsisikap na mapababa ang presyo ng bigas ay nakatuon sa layunin ng administrasyong Marcos na maging available at abot-kaya ang pangunahing batayang ito.

Dagdag ni Romualdez na ang Kamara ay nagpasa na ng panukalang-batas na magbibigay-pahintulot sa National Food Authority na magpasok at magbenta ng imported na bigas direkta sa publiko. Kasalukuyang nasa Senado ang panukalang-batas.

Sinuportahan din ni House Deputy Minority Leader at Basilan Rep. Mujiv Hataman ang desisyon ng Malacañang na bawasan ang taripa.

Samantala, sinabi naman ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na optimistic ang pamahalaan na ang pagbabawas sa taripa ay makakapagbaba ng presyo ng bigas hanggang P29 kada kilo.