Pina-claim lang: PCSO klinaro 20 beses nanalo sa lotto

Dumepensa ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) hinggil sa nilantad ni Senador Raffy Tulfo na may nanalo umanong mananaya ng 20 beses sa lotto sa loob lang ng isang buwan.

Dumepensa ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) hinggil sa nilantad ni Senador Raffy Tulfo na may nanalo umanong mananaya ng 20 beses sa lotto sa loob lang ng isang buwan.

Ayon sa nilabas na pahayag ng PCSO, nagbase si Tulfo sa listahan na sila mismo ang nagbigay.

Ngunit paliwanag ng ahensya, hindi sa mga lotto games na milyon ang premyo ang pinatutungkulan ni Tulfo.

“What Sen. Tulfo apparently failed to notice was that the same list would also show that for jackpot-bearing games like Lotto 6/42, Mega Lotto 6/45, Super Lotto 6/49, Grand Lotto 6/55, and Ultra 6/58, there was no winner who won more than once,” ayon sa PCSO.

Giit ng PCSO, sa mga ‘digit games’ lang tulad ng 2D, 3D, 4D at 6D nangyayari ang pinatutungkulan ni Tulfo.

Ito’y dahil umano sa ‘paki-claim’ na sistema kung saan pinakokolekta na ng ibang mananaya sa mga lotto outlet agent ang kanilang panalo.

“Since they are just minor prizes, a winner can ask someone he trusts to claim the prize for him through the so-called ‘paki-claim,” ayon sa ahensya.

Ayon din sa PCSO, nagsisilbi lang bilang ‘good samaritans’ ang mga lotto agents para sa mga mananaya na malayo ang tahanan sa mga branch office o kaya’y walang sapat na valid ID para kunin ang kanilang premyo.

“Some winners would not want to go to their branch office because of added expenses, so the lotto agents would act as Good Samaritans and do it for them,” lahad ng PCSO.