Pimentel sa pagwa-water cannon ng China: Dapat gumanti tayo!

Inudyukan ni Senador Koko Pimentel ang Philippine Coast Guard (PCG) na resbakan ang China gamit ang sarili nilang water cannon.

Inudyukan ni Senador Koko Pimentel ang Philippine Coast Guard (PCG) na resbakan ang China gamit ang sarili nilang water cannon.

Ito’y matapos bombahin ng ilang barko ng Chinese Coast Guard ng water cannon ang barko ng PCG at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Martes.

“Do our PCG vessels have their own water cannons? Dapat meron din. Because we should be able to water cannon too those who we believe are violating our laws and sovereign rights up to our exclusive economic zone,” saad ni Pimentel noong Huwebes.

Ayon sa senador, dapat armado ng water cannon ang mga barko ng PCG.

“Standard equipment dapat yan sa Coast Guard sea vessels, because that’s how coast guards drive away intruders and those violating laws. Standard yan. Bakit hindi pa nila naisip yan, eh dekada ng standard yan?” dagdag pa ni Pimentel.

Ang pambobomba ng water cannon ang pangunahing paraan ng China para itaboy ang Pilipinas sa karagatang pagmamay-ari ng mga Pilipino.

Una ng sinabi ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na hindi gaganti ang Pilipinas sa pambu-bully ng China.

“The mere fact that the guidance of the President for the Philippine Coast Guard and the Armed Forces of the Philippines is for us to remain professional, not to be provoked, not to use water cannon against water cannon means that the administration values dealing with them professionally,” wika ni Tarriela sa isang press conference.