Pimentel itinutulak ‘work break’ kapag sobrang init

Iminungkahi ni Senador Koko Pimentel sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagpapatupad ng 'work break' para sa mga manggagawa kapag sobrang init ng temperatura.

Iminungkahi ni Senador Koko Pimentel sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagpapatupad ng ‘work break’ para sa mga manggagawa kapag sobrang init ng temperatura.

Naging inspirasyon ni Pimentel sa kanyang panukala ang bansang United Arab Emirates (UAE) kung saan pinagpapahinga ang mga trabahador kapag sobrang init na.

“The Department of Labor and Employment should work with the private sector in implementing a similar policy. As I said last year, there should be a temporary work break or compulsory rest periods when the heat index reaches a danger level,” saad ng senador.

Inihayag din ni Pimentel na napapanahon ang kanyang suhestiyon dahil na rin sa mga ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kaugnay ng ‘danger’ level na heat index sa iba’t-ibang panig ng bansa.

“PAGASA’s warning of a ‘danger’ level heat index, ranging from 42 to 51°C in Metro Manila and other regions, underscores the urgency for swift implementation of protocols to prevent heat-related illnesses and injuries,” aniya.

“I am very much concerned about the safety of our workers, especially those working outside directly exposed to the intense heat of the sun, including construction workers among others,” dagdag pa ni Pimentel.