Pimentel: Gentleman’s agreement ni Duterte-China walang bisa!

Giniit ni Senate minority leader Aquilino 'Koko' Pimentel III na hindi binding ang ang umano'y gentleman's agreement sa pagitan nina ex-President Rodrigo Duterte at China sa West Philippine Sea.

Giniit ni Senate minority leader Aquilino ‘Koko’ Pimentel III na hindi binding ang ang umano’y gentleman’s agreement sa pagitan nina ex-President Rodrigo Duterte at China sa West Philippine Sea.

Aniya, hindi maaaring gumawa ng kasunduan ang isang tao para kumatawan sa isang bansa.

“A single Filipino, no matter the position in the government, cannot bind the country in an informal, unwritten, unrecorded so-called agreement,” saad ni Pimentel.

“No matter the position. Because it is an informal, unwritten, unrecorded agreement. Malay mo kailangan may concurrence ‘yan. How can concurrence be given to a ‘he said, she said’ scenario?” aniya pa.

Matatandaan na nilantad ni ex-presidential spokesperson Harry Roque na may kasunduan umano si Duterte sa Chinese government na magkaroon ng ‘status quo’ pagdating sa BRP Sierra Madre na nasa Ayungin Shoal.

Ayon kay Roque, kaya umano binobomba ng water cannon ng China ang mga barko ng Pilipinas ay dahil nagsimula umanong magpasok ng construction materials sa BRP Sierra Madre.