Pilipinas, pinoprotektahan lang ang teritoryo nito sa WPS — DND

Hindi giyera ang habol ng Pilipinas kundi ang pangangalaga at pagprotekta lamang nang teritoryong sa kanya naman talaga.

Hindi naghahanap ng anumang hidwaan o digmaan ang Pilipinas, at pinoprotektahan lamang nito ang pangkaragatang teritoryo kontra sa pang-aangkin China, ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.

Sa isang briefing ng Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ng kalihim na ang pagprotekta sa teritoryo ng bansa ay tinatanggap sa ilalim ng international law at ang pang-aangkin sa malawak na teritoryo ng Beijing sa West Philippines Sea at ibang teritoryo sa lugar ng Maynila ay salungat o labag sa “norms of international law.”

“You know, that is why the government under President (Ferdinand R. Marcos Jr.) is taking this seriously because this is an affront to our territorial integrity and it’s a ridiculous assertion of international law or a revision of international law to suit their expansionist ends,” paliwanag pa niya.

Sinabi rin ni Teodoro na gumagamit ang China ng maling impormasyon para pahinain ang “political will and unity” ng bansa.

Hinimok niya ang lahat ng Pilipino na makiisa sa gobyerno sa pagkontra sa salaysay ng Beijing.