Pilipinas ligwak sa 2024 Asia University Rankings; PBBM dismayado?

Bigong makapasok ang mga unibersidad sa Pilipinas sa Top 100 ng Times Higher Education's 2024 Asia University Rankings.

Bigong makapasok ang mga unibersidad sa Pilipinas sa Top 100 ng Times Higher Education’s 2024 Asia University Rankings.

Ito ang binigyang diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa harap ng Commission on Higher Education at ng iba pang mga kinatawan ng akademya sa ginanap na National Higher Education Day Summit (NHEDS) 2024 sa Philippine International Convention Center sa Pasay City nitong Miyerkules, May 15, 2024.

Aniya, repleksiyon ito ng bumababang kalidad ng edukasyon sa mga tertiary schools at mga unibersidad sa bansa. Panawagan niya ang pagkakaroon ng isang komprehensibong estratehiya upang mapaunlad ang antas ng mas mataas na edukasyon sa Pilipinas.

Ayon kay Marcos, mahalaga ang pagsasagawa ng mga reporma sa sistema ng edukasyon upang matugunan ang mga hamon tulad ng kakulangan sa pasilidad, kakulangan sa mga guro, at ang kakulangan sa tamang pagtutok sa mga kurikulum na nababagay sa pangangailangan ng industriya at lipunan.

“Giving the youth the right competencies and skills and training is the only way for them to prevail, and to prosper, in this highly competitive world. Our greatest obligation to them is to mold them into critical thinkers, into problem solvers, into visionaries, wielding the skills that will allow them to succeed in the future,” dagdag niya.

Tanging Ateneo De Manila University lamang ang nakapasok sa 401-500 bracket ng nasabing report na sinundan ng De La Salle University at University of the Philippines sa 501-600 bracket. Samantala, nasa ika-600+ bracket naman ang Mapua University at ang University of Sto. Tomas.