Pilipinas, kayang manguna sa Creative Economy sa buong ASEAN – solon

Determinado ang gobyerno na gawing No. 1 ang Pilipinas pagdating sa creative economy sa buong rehiyon ng ASEAN pagdating ng 2030, ayon sa isang mambabatas.

Determinado ang gobyerno na gawing No. 1 ang Pilipinas pagdating sa creative economy sa buong rehiyon ng ASEAN pagdating ng 2030, ayon sa isang mambabatas.

Susi rito ang kapipirma lamang na Republic Act No. 11904 or the Philippine Creative Industries Development Act, na lilikha ng plano upang palakasin at pasiglahin pa ang lokal na creative industry, ayon kay Pangasinan Rep. Christopher de Venecia, na isa sa mga pangunahing may-akda ng batas.

“Now we have a developmental framework in place because of the law. Now we just need the resources so that we can implement the different mandates of the law, so that we can come up and prime up our performance, especially in exports of our creative content,” paliwanag ni De Venecia sa ginawang media launch ng Philippine Creative Industries Month sa Metropolitan Theater sa Maynila.

Itinatakda ng batas ang pagsusulong at pagpapayaman ng creative industry ng bansa sa pamamagitan ng pagprotekta at pagpapalakas ng Karapatan at kakayahan ng mga nagtatrabaho dito tulad ng mga kumpanya, artista, manggagawa, creator, indigenous cultural communities, content providers, at iba pang kasapi.

Sa pagtaya ng gobyerno, kasalukuyang mayroong pitong milyong Pilipino ang nagtatrabaho sa industriya.

Bagaman nangunguna ang Pilipinas sa pag-export ng creative services, hindi pa rin ito makausbong ng tuluyan dahil sa iba’t ibang problema na kinakaharap nito.

“But our creative goods are sort of middling because of so many different problems. Of course, high power rates, a weak or struggling manufacturing base, we have logistics concerns,” paliwanag ni De Venecia.

“This creative industry law is an enabling mechanism for a whole of government approach to developing the sector and addressing the many different pain points that have been plaguing the different creative industry sectors for decades,” dagdag pa niya.