Pilipinas binasag world record sa ‘largest human lung formation’

Sinungkit ng Pilipinas ang Guinness world record para sa largest human lung formation nitong Sabado, March 16.

Sinungkit ng Pilipinas ang Guinness world record para sa largest human lung formation nitong Sabado, March 16.

Kasabay ng komemorasyon para sa World TB Day sa Quirino Grandstand, Maynila ay nagsama-sama ang libo-libong Pinoy para buuin ang pinakamalaking lung formation.

Abot sa 5,596 indibiduwal ang nakiisa para mabasag ang record na inorganisa ng Department of Health (DOH).

Dati itong hawak ng India, na noong 2017 ay may 5,003 na lumahok para sa human organ formation.

Ipinakita nina Manila Mayor Honey Lacuna at DOH Secretary Ted Herbosa ang plaque of certification mula sa Guinness World Records para sa naturang record.