Pili kasi muna bago kuda! Kooperatiba ang pipili kung saan bibili ng modern jeep–LTFRB

Ayon kay LTFRB Chair Teofilo Guadiz III, mayroon nang mga manufacturer na nag-aalok ng unit na tinatayang P900,000. Kung ito ang pipiliin at isasama ang subsidiyang ibibigay ng pamahalaan, bababa pan sa P700,000 ang kabuuang unit, ayon kay Guadiz.

Muling iginiit ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na may mga mas murang public utility vehicles (PUV) na maaaring bilhin ng mga kooperatiba para makasunod sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.

Ayon pa kay LTFRB LTFRB Chair Teofilo Guadiz III, mayroon nang mga manufacturer na nag-aalok ng unit na tinatayang P900,000. Kung ito ang pipiliin at isasama ang subsidiyang ibibigay ng pamahalaan, bababa pan sa P700,000 ang kabuuang unit, ayon kay Guadiz.

“Divide this into seven years, it will only be something like P10,000 to P12,000 monthly. Hindi na po mabigat ito sa ating mga tsuper,” aniya sa isang press conference.

BASAHIN RIN: LTFRB sa mga kooperatiba ng jeep: Pwede ninyong bilhin kung anong nais, basta pasado sa standard

Sa kabuuan, mayroong 54 na modelo na nakapasa sa Philippine National Standard, ayon kay Land Transportation Office Technical Division chief Joel Bolano. Ibig sabihin, 54 na modelo na may iba’t ibang presyo ang maaaring pagpilian ng mga kooperatiba

“Yung mga lately na-accredit, may mga iconic jeepney na po doon. At available naman po ang data with the DOTr (Department of Transportation) para makita po kung ano-ano at kung sino-sino ang mga provider at kung ito po ay locally manufactured o ito po ay imported,” paliwanag ni Bolano.

Dagdag pa niya, desisyon na ng mga kooperatiba kung ano ang bibilhin nila.

“Hindi po totoo na mayroon pong nakikialam po ang LTFRB. Ang katotohanan po niyan ay sila ang may option kung saan po sila pwede bumili,” aniya.

BASAHIN RIN: Kumambyo muli sa harap ng Kamara! LTFRB, muling pag-aaralan ang implementasyon ng PUVMP