Pia, ‘kambal’ nagkita muli

Muling nakasama ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang kanyang kambal na wax figure sa Singapore museum.

Muling nakasama ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang kanyang kambal na wax figure sa Singapore museum.

Kasama kasi si Pia sa mga inimbita sa Madame Tussauds Singapore viewing event para sa kanyang wax figure.

Sinabi ni Pia na masaya umano siyang muli makasama ang kanyang wax figure na pinangalanan niyang “P2.”

“I’ll never forget the first time I saw my wax figure by Madame Tussauds. It was a bit shocking and thrilling at the same time, and the unveiling was definitely the highlight of my life. I’m really excited that I get to share another moment with P2 and have fun with my fans, this time in Singapore,” pahayag ng aktres.

Ipinagdiriwang ngayon ng Madame Tussauds sa Singapore ang kanilang ika-10 anibersaryo.