Philippine Navy, tinataboy ng China paalis ng Pag-asa Island

May barkong China nanaman ang agresibong naglayag sa may Pag-asa Island sa West Philippine Sea, pero pinaalis sila ng tropang Pinoy.

Matapang na pinaalis ng Philippine Navy ang China sa Pag-asa Island noong Biyernes, Oktubre 13.

Ayon sa anunisyo ng Armed Forces of the Philippines (AFP), tinaboy ng BRP Benguet ng Navy ang Chinese People’s Liberation Army Navy PLAN 621, isang barko ng China na naglalayag sa timog-kanlurang bahagi ng Pag-asa Island. Nag-issue rin ng mga radio challenges ang BRP Benguet sa barko ng China, na lumapit pa diumano sa barko ng Navy.

Sinabi rin ni AFP Western Command Vice Admiral Alberto Carlos na may ginawa pang mga paggalaw ang PLAN 621 na maaari aniyang makaapekto pa sas kaligtasan ng mga nasa teritoryo.

“China must immediately halt these unsafe actions and conduct themselves in a professional manner by adhering to international law,” giit ni Carlos.

Kaugnay nito, hinimok muli ni AFP chief of staff Romeo Brawner Jr. ang China na tigilan na nito ang mga agresibo nitong paggalaw sa West Philippine Sea.