Philippine Navy, magkakaron ng dalawang patrol vessel mula US

Binigyan ng US ang Philippine Navy ng dalawang decommissioned patrol vessels na sisimulang gamitin ng Pilipinas sa Setyembre 11.

Inanunsiyo ng Philippine Navy (PN) nitong Martes, Setyembre 5, ang pagkomisyon sa serbisyo ng dalawang Cyclone-class patrol vessels na donasyon ng US.

Sa isang pahayag, sinabi ng tagapagsalita ng PN na si Captain Benjo Negranza na opisyal na gagamitin na ng Philippine Navy simula Setyembre 11, at ang mga ito ay tatawaging “Alvarez-class patrol vessels” kapag na-commission sila sa serbisyo.

Gaganapin aniya ito headquarters Philippine Navy sa Naval Station Jose Andrada, Roxas Boulevard, Manila, ayon kay Negranza.

“The PN will be conducting the christening and commissioning ceremony of the two newly acquired Alvarez-class patrol vessels, namely BRP Valentin Diaz (PS-177) and BRP Ladislao Diwa (PS-178), with Honorable Gilberto C. Teodoro Jr., Secretary of National Defense as Guest of Honor and Speaker,” sambit ni Negranza.

Ang nasabing mga patrol vessels ay ibinagay ng US Navy sa bansa noong Mayo, sa bisa ng Excesds Defense Article program, matapos sila ma-decommission noong Marso 28. Ang mga barkong ito, na may habang 55 metro, ay magagamit ng Philippine Navy sa kanilang pagpatrolya sa mga territorial waters ng bansa.