Philippine Military Academy entrance exams, isinagawa sa Albay, Camarines Sur

Idinaos ang entrance exams ng Philippine Military Academy sa Legazpi City at Pili para sa mga nangangarap maging opisyal ng militar mula sa Bicol Region

Pormal nang binuksan nitong September 23, 2023 ang entrance examination para sa aspiring Bicolano cadets na nais makapag aral sa Philippine Military Academy (PMA).

Ang dalawang araw na entrance examination sa NAVAL Forces Southern Luzon (NAVFORSOL) ay ginawa sa Barangay Rawis, Legazpi City at sa Central Bicol State University of Agriculture Atrium sa San Jose, Pili, Camarines Sur.

Ayon kay Colonel Ryan Celino, halimbawang makapasa, wala raw dapat ipag-alala ang mga ito dahil bukod sa libreng tuition, may allowance at iba pang benepisyong matatanggap ang mga kadete.

Bukod sa mga nakapag-register online, binuksan din ito sa mga walk-in applicants. Kinakailangan lamang magdala ng walk-in applicants ng Duly Accomplished Cadet Application form na pwede ring ma-download sa website ng PMA, photocopy ng Philippine Statistics Authority (PSA) Birth Certificate, photocopy ng high school form 137 o 138 na hindi bababa sa 85% ang GWA.

Transcript of Record (TOR) naman sa college students. Kinakailangan din na mag dala ng latest 2×2 picture na may white background at isang valid ID. Sa oras naman ng eksaminsayon, kinakailangan na magsuot ng puting t-shirt, pantalon at sapatos.

Samantala, isa sa mga produkto ng PMA ay ang Commander ng NAVFORSOL Bicol na si Commodore Joe Anthony Borbe.

Ayon sa kaniya, marami siyang natutunan sa loob ng akademya na nagamit sa kanyang paglabas at naging susi ng kanyang tinatamasang tagumpay ngayon.

Samantala, nito lamang nagdaang taon, nakapagtala ang akademya ng 692 na aplikante sa PMA Entrance Examination sa Albay. 58 sa naturang bilang ang nakapasa habang lima sa mga ito ang natanggap na maging kadete.