Philip Salvador sasalang sa 2025 senatorial race

Susubukan ng aktor na si Philip Salvador na pasukin ang mundo ng public service sa 2025 elections.

Susubukan ng aktor na si Philip Salvador na pasukin ang mundo ng public service sa 2025 elections.

Nitong Biyernes ay inanunsyo ni Salvador na tatakbo siyang senador sa ilalim ng partidong PDP.

“Tinatanggap ko ang aking nomination para sa 2025 senatorial election,” saad ni Salvador.

Nangako rin siya ng tapat na serbisyo sakaling mahalal.

“Mananatili ako sa PDP hanggang sa huli kong hininga. Tandaan ninyo. Maraming salamat po. Ako po si Philip Salvador, hindi po ako abogado, hindi po ako doctor, hindi po ako engineer, ako po’y isang artista ng PDP na magiging epektibong magserbisyo sa mga Pilipino,” aniya.

Kung papalarin, madaragdagan ang mga action star sa Senado, na ngayo’y kinabibilangan nina Sen. Robin Padilla, Sen. Lito Lapid, Sen. Bong Revilla, at Sen. Jinggoy Estrada.