Philhealth target mabigyan access lahat ng Pinoy sa ‘Konsulta Package’

Patuloy ang Philhealth sa pagsulong na mapataas ang kalidad ng kanilang serbisyong medikal, ayon kay PhilHealth's corporate affairs group acting vice president Rey Baleña.

Patuloy ang Philhealth sa pagsulong na mapataas ang kalidad ng kanilang serbisyong medikal, ayon kay PhilHealth’s corporate affairs group acting vice president Rey Baleña.

Kabilang umano sa kanilang tinututukan ay ang pagbibigay ng acces sa Konsulta Package para sa mamamayan.

Sinabi ni Baleña, nasa mahigit 2,000 Konsulta Package providers ang na-accredit noong nakaraang taon, karamihan ay rural health units at health centers, infirmaries at primary health clinics, at ilang pribadong klinika.

“Target po natin ay lahat po tayong Pilipino ay mabigyan ng access sa ating Konsulta Package providers para manatiling malusog po tayong lahat,” ani Baleña sa isang panayam.

“Hindi na kailangan magkasakit yung miyembro para magamit ‘yung PhilHealth benefit. Kung mayroon pong dinaramdam, ito po ay maagang made-detect at maaagapan po at ‘di na matutuloy sa magastos na gamutan,” dagdag pa nito.