PhilHealth nangako kay Romualdez na palalakasin ang serbisyo

Tiniyak ng mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na tatalima ito sa panawagan ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na pahusayin ang kanilang mga serbisyo at benefit package para sa mga pasyente.

Kasunod ito ng direktiba ni Romualdez sa Kamara na suriin ang charter ng PhilHealth para mapalawak ang mga benepisyo ng mga pasyenteng Pilipino.

“We are one we are one with Speaker Martin when he says we have to aggressively and continuously increase the case packages of PhilHealth across the board,” sabi ni PhilHealth President and CEO Emmanuel Ledesma, Jr. sa pagdinig ng House Committee on Health, na hiniling ni Romualdez.

“With the leadership of our President and Chief Executive Officer, Emmanuel Ledesma, Jr., PhilHealth, we will be able to fulfill and comply with the directive of our Honorable Speaker Martin Romualdez,” segunda ni PhilHealth Vice President Eli Santos.

Ayon kay Romualdez, layunin ng pagrepaso sa charter ng PhilHealth na matugunan ang mga balakid sa pagkamit ng mga Pilipino ng dekalidad na healthcare services at matiyak na ang operasyon ng PhilHealth ay nakabatay sa interes ng publiko.