Phase 2 ng pagtatayo ng bagong gusali ng BRHMC, lumarga na

Pinasinayaan nina House Speaker Martin Romualdez at Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy Co ang pagsisimula ng phase 2 ng pagtatayo ng bagong gusali para sa Bicol Regional Hospital and Medical Center (BRHMC).

Tinawag na Legacy Building ang bagong gusali, na may halaga na P2.1 bilyon at inaasahang matatapos sa 2026.

Ayon kay Co, ang Legacy Building ay makakatulong upang marami pang Bikolano ang mabigyan ng atensyong medikal.

“Excited ang mga Bicolano because this will house a heart, lung and cancer center plus other facilities for special medical needs,” saad ni Co.

Bukod dito, kumpiyansa ang mambabatas na pati mga taga-Visayas at mga taga-timog na bahagi ng Luzon ay makikinabang din sa bagong gusali ng pagamutan.