PH vessel pagbabawalan maglayag sa Red Sea – DMW

Pinag-aaralan ngayon ng Department of Migrant Workers (DMW) ang patakaran na ipagbawal ang paglalayag ng mga barko sa Red Sea.

Pinag-aaralan ngayon ng Department of Migrant Workers (DMW) ang patakaran na ipagbawal ang paglalayag ng mga barko sa Red Sea.

Ito ay dahil sa mga kamakailang naganap na pag-atake ng Houthi rebels sa mga Pilipinong seafarers.

Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, paglalaanan nila ng oras ang pag-aaral sa naturang pagbabawal.

Sa ngayon, kailangan pa umano nilang kumonsulta sa kasama ang Department of Foreign Affairs (DFA).

“In light of this recent incident, we are reviewing this current policy. So, just give us some time to review the policy. Just give us the room to review the policy,” ani Cacdac.

Ngunit paglilinaw ni Cacdac, hindi nila ipatutupad ang agarang pagbabawal sa paglalayag sa Red Sea dahil hindi nila kayang pigilan ang kalakalan.

Subalit sinabihan na umano ng ahensyan ang mga Pilipinong seafarers na ipaglaban ang kanilang karapatang tumangging maglayag sa Red Sea.

“We had directed the ships carrying Filipino seafarers to divert. Ngayon, mayroong right to refuse sailing. ‘Yan ang declaration din in partnership with the International Bargaining Forum that should be honored,” dagdag pa nito.